Masama sa Kalusugan ang Alak

Payo sa Paghinto ng Pag-inom ng Alak

Masama sa kalusugan ang labis na pag-inom ng alak. Alam ng lahat ang masasamang epekto nito sa buhay ng isang tao at maging sa mga taong malalapit sa kanya. Maaari nitong sirain ng lubusan ang kanyang pagkatao, pamumuhay, relasyon at trabaho. Sa patuloy na pag-abuso ng isang tao sa alak at alcohol, unti-unti rin niyang sinisira ang kabuuan ng kanyang buhay.

drunk man
Huwag maging bikitma ng alak.
Maging ang mga taong kaunti lamang kung uminom ay hindi rin ligtas sa ganitong kalagayan. Maaaring maging lulong dito ang isang tao kung patuloy pa rin siyang iinom ng alak.Dito kadalasang nagsisimula ang mga problemang kaakibat ng alcoholism. Sapagkat ang alak nga ay isang nakakaadik na substance at sa walang tigil na pagkonsumo nito, ang isang tao ay maaaring maging dependent dito. Darating ang oras na malalaman niya na hindi na pala siya maaaring mabuhay at kumilos na walang alak sa katawan.

Ang isa sa pinakamahirap na aspeto ng alcoholism ay ang katotohanang ito ay isang uri ng sakit. Marami sa mga Filipino ang hindi lubos na nakauunawa na ito’y nangangailangan ng karampatang medical attention upang gumaling. At ang masakit, lumalala ang kondisyon ng isang taon mayroon nito dahil sa pagtanggi, pag-iwas o hindi pag-amin na siya ay may problema. O dahil hindi niya alam na siya ay may ganito nang karamdaman. Ang alcoholism kasi ay isang mapagkunwaring sakit at ang isang taong mayroon nito ay maaaring lumala sa dahilang kulang siya sa kaalaman o hindi niya alam ang tungkol sa mga bagay na ito.

Ngayon na ang tamang panahon upang magsimulang ayusin ang iyong buhay. Ngayon na ang tamang oras upang tumigil sa pag-inom ng alak. Maaari kang kumunsulta sa isang mangggamot o isang grupo ng mga taong maaaring makatulong sa iyo. Maaari ka ring pumunta sa isang alcohol rehab center upang matingnan ang iyong kondisyon ay upang malaman kung ano ang maaaring gamot upang gumaling ka. May mga taong maaaring gamutin sa bahay ngunit maraming sitwasyon na kung saan ang gamutan ay dapat na maganap sa isang rehabilitation center na siyang may sapat at tugmang paraan at programa na makakatulong ng malaki sa paggamot sa alcoholism.

Kung nagdesisyon kang tumigil na sa pag-inom ng alak, kailangan mong malaman buhat sa isang doctor kung ikaw ay dapat na sumailalim sa gabay at pangangalagang medikal upang masiguro ang iyong kaligtasan. Laging tandaan na ang anumang addiction na naging bahagi na ng iyong buhay ay maaaring magdulot ng mga negatibong sintomas na maaaring makasama sa iyong kalusugan. Isa sa mga ito ay ang alcohol withdrawal symptoms na nagdudulot ng mga komplikasyon kung bigla ang paghinto sa pag-inom ng alak.

May mga gamot na maaaring makatulong upang mabawasan, kung hindi man maihinto ng lubusan ang mga sintomas na ito. Ngunit siguruhin lamang na may karampatang reseta na nanggaling sa isang propesyonal upang makatiyak na ang iniinom na gamot ay tugma sa iyong kondisyon. Maaaring labanan ang anumang addiction kung tama ang anumang gawain at plano. 

Maging mapanuri sa kondisyong ito. Dapat na pag-aralang mabuti ang mga gagawin kung binabalak na ihinto ang pag-inom. Magkaroon ng sapat na kaalaman at itigil ang pag-inom habang maaga upang hindi magsisi sa bandang huli ng iyong buhay.

No comments:

Post a Comment